-
Last
I’m sorry we ended up this way. I’m sorry I can’t be the woman beside you in the altar saying “I do”. I’m sorry hindi na aabot sa point na ako yung makikita mo paggising mo sa umaga. I’m sorry I won’t be able to spend the rest of my life with you. I’m sorry kasi hindi ko na kayang ihandle yung pain. I’m sorry because I chose this kung saan ako mas magiging okay. I’m sorry kasi pinaparamdam kong wala ka ng magagawa para magbago yung isip ko. Sorry kasi napagod na ko.
Akala ko ‘break up’ yung solution para marealize mo yung mga ginagawa ko para sayo. Akala ko iintindihin mo na ako, pero wala akong nakikitang pagbabago.
Naaalala ko yung dating ikaw. Yung Charles na nasasaktan na agad basta maluha ako. Yung sinasabi na gagawin yung best para hindi na ko umiyak or masaktan. Yung palagi akong pinapatawa. Yung ginagawa yung best niya para hindi ako madisappoint. Siguro napagod ka ng maging ganon para sakin.
Ngayon okay lang sayo kahit masaktan ako, minsan nga hindi ka na nagsosorry, parang normal na lang sayo yun. Dati palagi mong pinapafeel sakin na special ako kahit sa simple ways lang, parang ngayon tinigilan mo na, super minsan na lang kasi. Sobrang miss na miss ko na yung Charles ko dati, kung kanino ako nafall ng sobra.
Siguro masyado ko lang inasahan yung sinabi mo na gagawin mo yung best mo na hindi ako saktan. Kasalanan ko din siguro kung bakit feel ko worthless ako. Dati sinasabi mong swerte ka sakin, ngayon hindi ko na naririnig sayo yun, proof lang na hindi mo nakikita yung mga ginagawa ko para sayo.
Baka dumating sa point na ‘hi, kamusta?’ na lang yung maitext ko sayo, o kaya baka hindi pa. Baka ikaw din. Ganyan naman palagi yung nangyayari diba? Hanggang memories na lang ‘to.
Sorry pero hindi ko na talaga kayang magtiis. Hindi ko na kayang tanggapin palagi na ako yung nasisisi mo everytime na may nangyayaring mali. Hindi ko na kaya na palagi mong ginagawa yung ayaw ko. Hindi ko na kayang maging girlfriend para sayo. Hindi pa ko ready na mawala ka pero kailangan na talaga e.
For sure sa pagmomove on ko mamimiss kita ng sobra. Hahanap-hanapin ko yung mga text, calls and chats natin. Alam ko mahihirapan ako, pero kailangan natin to. Baka hindi talaga tayo. Baka pinipilit lang natin na maging tayo talaga.
Soon makakahanap ka rin ng girl na para sayo. Yung hindi mauubusan ng pasensya na intindihin ka. Yung kahit hirap na siya patuloy pa rin siyang magsasacrifice para sayo. Yung tatanggapin ka talaga. O kaya yung girl na makakapagpabago sayo, sorry na lang ako kasi hindi talaga ako yun, I tried too many times pero hindi talaga. Maybe hindi talaga tayo.
Sana huwag mong papabayaan yung sarili mo. Sana ayusin mo na yung studies mo. Sorry hindi na kita magaguide. In time makakahanap ka na rin agad ng para sayo.
Sige na. Last na to. I love you. Goodbye. I’ll always ba here for you. Sabihin mo lang sakin. -
(via babyidolnica)
-
(via staypozitive)
-
(via ispeakquotes)


